Mommy Mahal Kita!
Mahal kong anak,
Yena kong mahal, hindi mo lang alam kung gaano mo ako pinapasaya sa tuwing sinasabi mong 'mommy mahal kita, miss kita!' tuwing darating ako galing trabaho. Pilit kong hinahanda ang sarili ko sa lahat ng bagay pero sa biglang pagsabi mo sa akin ng mga salitang yun kagabi, hindi pala ako magiging handa EVER! Napakasarap sa pakiramdam anak! Tulad ngayon habang tumitipa ako ng sulat kong ito, nasa likuran kita at yakap yakap mo ako paulit ulit na sinasabing mahal mo ako at namiss. Tinatawag mo ko at nagkukwento ng kung anu ano sori kung ang atensyon ko ay sa pagsusulat ngayon. Gusto ko lang magpasalamat sa Diyos na binigay ka sa akin, sa amin ng daddy mo. Araw araw nagmamadali akong umuwi para lang makasama ka na. Marinig ang kadaldalan mo, mayakap ka at mahagkan at di na pakawalan pa.
Ayan naiiyak na ang mommy. Basta paglaki mo at nababasa mo na 'to tandaan mo lagi kung gano kita mahal anak. Sobra sobra. Higit pa sa buhay ko. O yan magbasa na tayo ng libro mo! Wag mo ko tanungin kung bakit ako umiiyak ok? Di ko sasabihin! ^_^
O eto nga pala ang picture niyo ni Ate Eya mo nung nakaraang gabing pose ka ng pose! Maarte ka anak tulad ko... hahahah.
Mommy
PS:
Yena anak tandaan mo... mahal na mahal rin kita!
12 comments:
muntik na ako maluha, actaully napaluha ako ng konti, hehehe.. so sweet naman ni Yena Marce.
Ka ka touch naman to; i feel guilty na rin tuloy, wahhh :-(
Bakit kaya pag tagalog na sinabi ang iloveu eh parang mas meaningful kesa englih; kung ako din siguro sabihan ni Jake ng iloveu in tagalog, maiiyak din ako. Ok na din english basta he say it without being asked :-)
damang dama ko ang pagiging isang ina sa entry mo na to.. ayoko aminin, pero naiyak ako...
teka, maarte ba si yena kamo? ok lang maging maarte at maganda naman. . bagay na bagay sa kanya ang pagiging maarte. mana sa mommy ang ganda.
lika nga dito yena, pakurot nga si Tita
lika nga dito yena, pakurot nga si Tita
aaww. huhu. ano pa nga ba eh, di iiyak ka. wahihi.
Napaka sweet naman...
damang dama ko Ito ate niko...
Ang sarap maging mommy..
hehehe
Oi. advance happy mother's day
Sweet!
waaaahhh!! huhu. ako din naiyak. anu be. wag mo nga kmi idamay sa pagiging iyakin mo. nahahawa kami e. wahaha! uu sarap yun pag sabi ng anak mo iloveu mommy. hihi. kahit alam mong nang-uuto lng. parang si svet. putris na bata un marunong ng mang-uto. wahahaha!
ako din touch na touch sis... Happy Mother's day sa atin!
nakakatuwa tlaga ang mga ganitong pananalita mula sa ating mga supling. nakakawala ng pagod.
so sweet mommy nman ni niko:)
Post a Comment